Wednesday, September 3, 2008

Wish Ko Lang

In my desperation to have Nappie operated soon, I have resorted to writing to "Wish ko lang" of GMA 7.
It was sent last Tuesday September 02, 2008:
Dear Wish ko lang,

Una sa lahat, ay binabati ko ang programa nyo ng Congratulations dahil sa maraming buhay na tinutulungan at binabago.

Ako po si Ruth Pujalte Chase, isang call center employee sa InterContinental Hotels Group.

Gusto ko pong ilapit ang batang nakilala ko sa PGH nang ako ay manganak: si Nappie Gallo Jr aka Dodong. Nagkakilala po kami ng nanay ng batang ito habang kinukuha ko po ang medical record ko sa ospital dahil kailangan po ng HR department para sa SSS benefit ko. Si Nappie po ay 3 years old na tubong Davao. Isinilang po siya na me Hirchsprung's disease ito ay klase ng abnormality nang isinilang siya. Nang baby po siya ay lumabas po ang dumi nya sa bibig. Kaya po ang mga doctor ng isang ospital sa Davao ay inilabas po ang kanyang bituka sa tyan para doon po siya dumumi. 3 taon na po ang lumipas at hindi pa rin sya normal ( kailangan nya po ng 2 operasyon, di makalaro ng malaya, maingat sa kilos para protektahan ang naka expose na bituka at ang kanyang pong ina ay hindi makabili ng colostomy bag dahil sa sobrang mahal. Gumagamit po siya ng improvised colostomy bag gawa sa plastic, tela at plastic na takip ng kape. Eto po ay prone sa inpeksyon. Hindi po
kaya ng magulang nya na ipagamot po siya dahil po sa hirap ng buhay. 7 po silang magkakapatid at bunso nya. Ang kanya pong ama ay empleado ng gobyerno na sumasahod ng P200 pesos a day.

Inilapit ko po siya sa aking mga kaibigan at sa pinagtatarabahuhan po. Sa madaling salita me mga kaibigan po ako sa abroad na nagtulung at nagbigay ng 30k para sa unang operasyon. Saludo po ako sa aking mga bosses at kamanggagawa sa company na pinag ta trabahuhan ko dahil sasagutin ang pangalawa nya operasyon dahil sa kalunos lunos na sitwasyon ng bata. Ang pera pong nalikom at sapat lamang para sa charity ward at hindi sa payward (nagkakahalaga po ng 60k bawat operasyon sa payward versus sa charity ward na 15-20k per operation) wala pa po rito ang mga gamot na kakailanganin ng bata.

Matagal na pong nakapila sa PGH si Nappie Gallo (November 2006). Dahil po ang original doctor niya ay nagmigrate na sa amerika, na endorse po siya sa ibang doktor. Hangang ngayon po ay hindi pa siya naooperahan dahil ang sabi po ng mga doktor sa PGH ay hindi naman critical ang kanyang lagay at uunahin ang mas malubha sa kanya ang sakit.

Hinihingi ko po ang tulong nya na maooperahan ang bata. Bilang isang ina, isang turok sa puso ko na makita siyang ganyan: hindi normal. Alam ko na may magandang kinabukasan na nagaantay sa kanya. Sana po ay maabot niya pa ang araw na iyon.

Alam ko pong wala imposible sa Dios at gagamitin nya pong instrumento ang inyong programa upang mabago ang buhay ni Dodong.

Me link po akong inilakip sa video ni Dodong para po makita nyo mula sa blog ko:

http://soitsme-outofthebox.blogspot.com/2008_05_01_archive.html

Salamat po ng marami at pagpalain kayo ng Diyos,
Ruthie
"Laugh when you can, Apologize when you should, Let go of what you can't change, Take chances, Give LOVE and have no regrets. Life is TOO short to be....... anything but Happy! :)"